Saturday, February 03, 2007

kwentong karanasan!

4:45pm. Kahapon. Biyernes. Inaya ako ni Karren na pumunta ng Sm North Edsa. D naman talaga ako sasama, at wala din akong balak sumama. Bkit nya ako inaya? Ksi SALE sa Sm. 3-day sale. Pero dahil mejo badtrip ako ngayong araw na to, at gusto kong maglabas ng sama ng loob sa tinuturing kong tunay na kaibigan, nagpaubaya na ako. Eto lang din kasi ung time na pwede kami magusap dalawa. Naisip ko, sa byahe ko na lang ikkwento sa kanya ang problema ko. At ayun nga, nag abang kami ng fx na may karatulang project 6, pero napansin ko na sa 30 minutos naming pagiintay at mukhang tutubuan na kami ng ugat sa paa, la pa ring fx na dumadaan. Actually meron pero ayaw nila maglabas ng karatula na di ko mawari sa anong kadahilanan! So ayun, ngalakad-lakad kami sa city hall at napagpasyahan namin ni Karren na mag jip nlang kmi. So ngarag kung ngarag sa byahe bsta makapunta lang sa Sm. Halos puno ung nasakyan namin pero sabi ni mamang driver dalawa pa daw e di go naman kami pero pagakaupo ko di ko na mapasok ung buong katawan ko! Napansin ko na kalating pwetan lang ang nakaupo skin. Hay, ayun keri pa rin! Inaalis ko na ang lahat ng kaartehan sa kawatan ko. At pano ba naman si manong na katabi nmin eh parang walang pakialam. Mukhang todo upo pa rin siya. Napa-ungentleman! Hmpf! Ganito na ba tlga ang mga guys ngyon?! :(

5:30pm. Sa buong byahe namin, wala kaming kapaguran ni Karren sa pagkkwentuhan. Go kung go talaga ang mga bakla. Kahit napapasulyap na smin ang ibang pasahero dahil sa aming walang tigil na pagdadaldalan, wa care pa rin. hehe. Pero symepre di naman kami super maingay. Nakakatuwa lang kasi para kaming my sariling mundo na pati si mamang driver ng jip ay napapatingin na rin smin sa pamamagitan ng rearview mirror nya. hahaha!

6:00pm. Traffic. Nagsisimula na rin akong mangarag at makaramdam ng pagod. Pakiramdam ko nasa pagmumukha ko na ang lahat ng alikabok na maaring malanghap at dumikit sa balat. At mukhang malayo-malayo pa kami sa aming destinasyon. Trapik talaga sa kahabaan ng Quezon Ave. hay, d na nagbago. At byernes pa kaya ayun, mas lalong maraming tao sa kalye. Sa mga oras na to, marami na rin kaming napagusapan ng aking kaibigan. Halos lahat na ata ng topic eh aming natalakay na at nabigyan ng komento. Sympre my halong tawanan at joke time. Kahit nasa pampublikong sasakyan kami, keri pa rin.

7:00pm. Malapit na kami sa Sm, sa wakas!! Di ko akalain na bbyahe ako ng ganun kalayo. My malapit na mall naman smen dba?! Dumayo pa ako dun. Nakakatawa na ewan! HEHE! Grabayshush to the maximum level pero masaya naman at enjoy talaga ko.Parang adventure na rin para skin un. Kc first time ko at first time ko din makita ang Quezon City Circle. Ang pinagmamalaki ni Karren na teretoryo nyana ginagawa nmning biro. HAHA! Nakakatuwa. Wala lang. Ayan ang resulta ng pagiging lakwatsera ko.

7:30pm. Kumain muna kami sa KFC kasi sobrang gutom na kami. Nakadalawang rice ang lola mo! lafang kung lafang talaga kasi d ko ngmeryenda kaya ayun. D ko na napigilan ang gutom at nawala na ang pagka-finess ng bakla na umabot sa napapatingin nlang skin ung katabi naming babae(nsa kabilang table sila actually). Kala nya cguro d ko kumain ng buong araw. HAHA!

8:00pm. Nagsimula na kaming maglibot sa mall. Nakabili ng tig-isang damit ako at si Karren. Mahilig talaga kami sa ganun. Nagpapaka-adik kahit d naman dapat HEHE! sa masaya kami eh. Pero sa mga oras na to, pagod na ang katawan namin. Ngarag na tlg! pero ang utak namen, go go pa rin.Ayaw paawat. Nakukuha pa nming mag joke time at magusap ng kung anu-anu. In fairness, naibsan ng unti ang lungkot na aking nararadam at problema na meron ako dahil sa trip namin na yun.

9:00pm. Umalis na kami ng Mall. Pumnta na kmi sa Edsa para mag abang ng bus para makauwi ako. At pag minamalas-malas ka nga naman! Ang hirap sumakay. Ang hirap makahanap ng Aircon Bus na diretso samn! Ayoko kc ng ordinary dahil panigurado, baka d na ko makaabot smin ng buhay sa sobrang kaskasero ng mga driver. Halos ubos na ung kasabayan nmn naghihintay din ng bus e andun pa rin kmi ni Karren. Bangag na kmi, dinadaan lng nmn sa tawa at joke! Ng sa wakas, my nkita nrin ako na aircon. Natuwa namn ako dhil makakaupo nrin ako sa wakas. Inaantok na rin ang bakla. D ko na keri. Pero nagkamali rin pla ako, pati din pla si manong driver na bus na sinakyan ko, eh langya! Ang hilig sumingit at makipagunahan sa edsa na tipong la ng bukas sa kanya kaya ang resulta, di na ako natulog sa takot na bigla na lang akong sumubsob. Nakinig nalng ako sa aking ipod.

10:45pm. Ang layo talaga ng lugar na yun. Kakatapak ko lang sa gate namen. Antok na antok na ako. Parang bibigay na ang katawan ko, pati binti ko masakit na rin. Dahan-dahan ko pa binuksan ang pinto nmin para walang magsing sa mga kasam-bahay ko. D na ko kumain, dahil parang mapapapikit narin ang aking mga mata. nghilamos at natulog na lang. Maaga pa pala ako bukas dahil ako ay maylaboratory class pa. Hay.. *hikab*hikab*


So, sa kabuuan masaya naman ako. Nagenjoy kahit ang daming hassle. Simpleng trip lang na ganun, happy happy na ko. Mababaw sa tingin ng ibang tao, pero bakit ba?! walang pakialamanan. HEHE! Nawala sa isip ko panandalian ang problema na kinakaharap ko ngayong araw na to. Naaliw ako sa tamang trip namin. Sa uulitin mare. Di ko makakalimutan ang karanasan na toh. :)

No comments: