Thursday, February 15, 2007

Para sa'yo:

Alam kong mahirap, pero kinakaya. Alam kong masakit, pero pilit humihinga. Kamusta ka na? Medyo matagal na rin di tau nakakapagusap. Matagal-tagal na rin mula ng marinig ko ang iyong halakhak, isang tunay na halakhak, pati narin ang yong tinig. Para ngang hindi ko na matandaan ang bawat hugis ng iyong mukha. Oo, matagal na nga.

****

Hindi ako bulag at lalong malakas pa ang aking pandinig. Ayoko magtanong, baka hindi kayanin ng pride ko ang isasagot mo. Gusto ko magbingi-bingihan at ipikit and mata kahit panandalian lang. Kaylangan ba talagang balik-balikan mo ang iyong nakaraan ngayon? Ung siya bago ako. Ayokong maniwala pero hindi ako manhid. Eto ba ang ganti mo skin? Sadya ba? Sana nga'y huwad at pagpapanggap lang ng iyong ginagawa. Sana'y paraan mo lang ito upang mapukaw ang aking pansin. At ang mahulog kang muli sa knya ay taliwas na sa mga pangyayari. Ewan ko. Hindi ko alam.

****

Gusto kita pasalamatan. Utang ko sa'yo kung ano ako ngayon. Sa loob ng halos dalawang taon nating magkakilalala at magkahawak kamay, madami ako natutunan. Madami ako nakita. Madami magagandang alaala sa piling mo na masayang balik-tanawin. Lugar, bagay, food trip, adventures, at marami pang iba. Lahat ng yon ay itatago ko sa aking puso ngayon at magpakailanman. Wag kang mag-alala, andito pa rin ako kung kailangan mo ng isang karamay. Hindi kita kayang talikuran ng ganon na lang. Hindi kita kayang pabayaan ng basta-basta. Pero, marahil hanggang isang pagigng espesyal na tao na lamang sa puso at buhay ko ang tangi kong maiaalay sa'yo. Hanggang dun lang muna sa pagkakataong ito. Walang labis, walang kulang. Madaming dahilan. Madami sitwasyong kaylangan isaalang-alang. Sana'y lubos mong maintindihan.

****

Salamat sa lahat-lahat. Salamat sa isang tunay na pagmamahal. Salamat sa pagsasamang masaya at iniidolo ng iba. Salamat sa lahat ng hirap at sakripisyo. Salamat sa pag-alala na labis na nakakatunaw ng puso. Salamat sa pagiging tunay na karamay at katuwang ko. Salamat sa pagintindi sa mga hang-ups ko, sa paghintay ng oras ko. Salamat sa mga masasayang experience na naranasan ko sa piling mo. Salamat sa pagiging isang huwarang boypren. Salamat sa pagtanggap sa totoong ako, sa patuloy na pagmahal sakin kahit na ako na ang pinaka-mataray na nakilala mo. Salamat sa pagtanggap sa mga kaibigan ko at itinuring na barkada mo na din. Salamat sa bulaklak ( na matagal na rin akong di nakatanggap mula sa'yo). Salamat sa mga sulat at regalo na sumisimbolo ng pagmamahal mo. Salamat sa Giant Pillow. (hehe!) Salamat sa pagdamay sakin sa pagiging lakwatsera ko. Salamat sa lahat ng pawis na ginugol mo sa initan upang masamahan lang ako. Salamat sa patuloy na pagintindi. Salamat sa pagiging isang tunay na kaibigan. Salamat sa pagpapakilala mo skin sa mundo mo pati na rin sa mga mahal mo sa buhay. Salamat sa pag-share mo ng sarili, buhay at pangarap mo skin. Salamat sa mga importanteng tao sa buhay mo dahil tinanggap nila ko ng bukas-kamay. Salamat sa pagturing nila na parang tunay nila akong anak (and it makes my heart melt knowing that). Higit kanino man, salamat ng marami syo mismo. At walang katapusang salamat.

****

Sori sa nagawa ko. Sori pagiging isang ewan. Sori kung nasaktan kita. Sori at magulo pa rin ang isip ko. Sori kung naging isang tagong bahagi ka ng buhay ko. Sori kung di kita naipakilala sa buong mundo. Sori kung kalahati lang ng mundo ko ang naishare ko sa'yo. Sory sa pagtataray. Sori sa sakit at hapdi na naidulot ko. Sori kung di man lang kita naipaglaban sa kanila (nung ayos pa tayo). Sori kung natakot ako. Sori at di kita naintindihan, nais ko lang naman na mapabuti ka. Sori kung bumalik nga ang mga kaibigan mo at ako naman ang nawala. Sori kung pakiramdam mo, binitiwan na kita .Sori kung ako lang ang naging buhay mo. Sori kung sakin lang umikot ang mundo mo. Sori kung nasa dilim na bahagi ka pa rin ng buhay ko. Sori kung di kita naipagmalaki sa kanila. Sori sa lahat-lahat ng pagkakamali ko. At higit kanino man, sori ng marami sa'yo mismo. At walang katapusang sori.

****

Alam kong hindi lang ako ang nagkamali. Aminin na natin na pareho tayong may kasalanan sa pangyayari. Hindi ko na sasabihin kung ano sa parte mo, ikaw dapat ang makadiskubre nun. Dahil ako, inaamin ko. Oo, meron din akong sariling parte ng pagkakamali at gagamitin ko yun upang magbago habang hinahanap ko ang sarili ko.

****

Ayoko mangako dahil mismo ako, di din sigurado. Ayoko pangunahan ang hinaharap. Marahil, hanggang dito na lang muna tayo. Kaylangan na muna siguro nating magpahinga at huminga ng wala ang isa't isa.. Hayaan nlang naten si destiny ang humatol. Bsta tatandaan mo, andito pa rin ako. Kahit bilang isang kaibigan na lang muna. Ako pa rin ung taong nakilala mo. Handa pa rin akong dumamay at iaalay ang aking balikat at kamay kung ito'y kaylangan mo, kung kaylangan mo ng isang tunay na kaibigan. Itatak mo yan sa'yong puso.

****

"perhaps, some good things never bound to lasts".

No comments: