Thursday, June 14, 2007

Nagbabalik.

Dumating ka sa buhay kO kung kailan di kO inaasahan. Kung kailan di kO akalain na ikaw pala yun. Mabilis, mailap, parang isang pitik lamang ng aking daliri ang mga pangyayari.

Ba't di ka na lang umiwas sa simula pa lang? Ba't pinaabOt kO pa nga ba sa ganitO? sa isang lihim.. At mananatiling isang tagO hangga't di kO binibitiwan ang pisi na patulOy na naguugnay sa aming dalawa ng una, sya na legal..sya na kilala ng mundO.

Patawad kung isa ka sa mga tagOng bahagi ng buhay kO. Patawad kung isa ka sa mga lihim kO na di kO kayang ibunyag sa madla o sa buOng mundo. Alam kO hirap ka din. Nguni't wala akOng maipapangakO na magandang bukas sa ngayOn. Pati ang pusO ay di siguradO kung kaya ko na bang sumugal.

Pero masaya naman tayO dba? Un nga lang..pigil, dahil tayO ay may sariling mundO kung saan doon naten pinagsasaluhan ang isang espesyal na relasyOn na tanging tayO lamang ang nakakaalam at nakakaintindi.


-ANONYMOUS

No comments: