Thursday, February 08, 2007

Libog lang pla.

Sa araw-araw na takbo ng buhay ko, minsan dumarating sa puntong napapaisp ako kung ano na ngyari skin. Kung may nagbago ba, may nadagdag, or my kulang pa ba? Umiikot ang aking buhay sa aking mga kaibigan, pamilya, eskuwelahan, bahay at kung ano pang anik-anik na dala ng pagiging isang babae ko. Labing siyam na taon na akong humihinga sa mundo. At sa mga karanasan sa buhay marami akong natutunan. Minsan my punto na pakiramdam ko tinalikuran ako ng mundo, minsan naman nakikisama siya skin, ung tipong ramdam ko na nakikisaya sya, nikikisaliw sa sayaw na nagpapaindak skin.

Ngayon, napaisip ako. Habang tumatanda ang tao, dumadami rin ang kanyang pangangailangan, gusto, luho, karanasan, damdamin, at kung ano-ano pang side trip. Ako? Syempre! Isa din ako sa mga tao na yun. Kabilang din ako sa kanila. Marami din ako gusto noh, sino bang hindi? At nais kong isa-isahin.

Mga gusto kong gawin sa sarili at buhay ko at present:

  • Gusto kong magpakulot. Ung kulot na buhok na tama lang, mining d super kulot to the max. Gusto ko ung tip lang ng hairlaloo ko.

  • Gusto kong kulayan ang aking buhok ng medium brown( suggest ni bummage) o di kaya burgundy? Pula kaya?

  • Gusto kong magkaron ng Pusha pink na bag para kapartner ng jacket.

  • Gusto kong magkaron ng koleksyon ng Chucks(shoes) na may iba-ibang kulay.

  • Gusto kong matutong manigarilyo at magpaka adik dito ng isang linggo lang sympre! (di ko kaya forever eh) at makisama sa yosi break.

  • Gusto kong lumaklak kasama mga kaibigan. Ako ang tanggero, tomador, promotor, lahat na pwera lang ang taya! :)

  • Nais kong mag-scuba diving.

  • Gusto kong mag-bungee jumping (tama ba spelling?) at mag wall climbing pati na rin umakyat ng bundok.

  • Gusto kong magpakaliberated (kahit alam kong di ko kaya!:c sbi nga ni van dalagang pilipina daw ako HAHA!)

  • Gusto kong maranasan maging isang lalaki ng one week!
  • Gusto kong itry maging totoong bitch at karirin toh!

  • Gusto kong magbakasyon sa isang bukirin, at magtanim kaya ng palay? (HAHA!)

  • Pinapangarap kong ikutin ang buong mundo.

  • Gusto kong magpakadalubhasa sa pag manipulate ng Adobe Photoshop CS.

  • Dream kong maging isang web designer ng isang sikat na fashion Magazine.

  • Gusto kong mag modelo (ng billboard? hehe)

  • Eager akong mag-drive ng malalaking kotse at syempre gusto ko din matuto kung pano.

  • Matindi ang kagustuhan ko na mag road trip kasama ang kaibigan o isang espesyal na tao(yikee!) *blush* (sino kaya? haha).

  • Ang pumunta sa Tagaytay, Antipolo, at Bohol ang naglalaro sa aking isipan sa mga panahon na toh.

  • Gusto ko ng PINK pero humahanga ako sa GREEN.
  • Adik akong bilhin ang iba pang available na kulay ng bago kong bili na jacket which is Green and Black
  • Gusto kong sumayaw (sa bar syempre) kasama ulit sina Karren and super friends.
  • Mapanood ang sunset at sunrise ng walang kakurap-kurap.
  • Gusto kong sumigaw, magpagulong-gulong, tumalon at umindak.
  • Magkaron ng sandamakmak na libro (novels) sa aking bookshelves.
  • Manood ng Car Show na worth it.
  • Makatapak sa Italy (para madalaw ko ang aking minamahal na Ina).
  • Mag tour around the globe with a diplomat visa (asa?!)
  • Matuto ng iba’t- ibang lenggwahe at interesado din ako sa culture ng iba’t ibang bansa.
  • Sana'y makapag aral ako ng International Studies.
  • At higit sa lahat, gusto kong maranasan o makamtan lahat ng gusto ko (kahit parang imposible ung iba).

    Sangkatutak ang gusto kong gawin at mangyari sa buhay ko. Kahit mismo ako nalulula eh. Pero sana at higit sa lahat ay sana makamit ko nga ang mga ito. Hindi ko ineexpect na isang iglap lang, alam kong sa aking journey malay naten matupad isa-isa dba?

    Ang aking sinabi ay bunga lamang ng aking malikot na imahinasyon, ika nga ni daena (kaibigan at kapwa blogger), LAHAT ng yan ay LIBOG lang.