Friday, January 19, 2007

foundation day '07.

Masaya. Madaming booths. Iba-ibang pakulo. My klase pa rin. Di nagpaawat mga prof. Pero lang quiz. Nakisaya sa quadrangle. Tumambay sa Mountineering club. Nag-feeling member pero hindi naman. HAHA! Nag aspire mag climb and rapell pero natalo ng takot at hiya. Sa ibang pagkakataon siguro. Nakita si Spiderman (kuno) na nagrapell at nakakatuwa siya. Parang marunong na hindi. HEHE! Naglaro ng Marvel vs. ekek (di ko na matandaan eh) sa laptop ni kuya kim sa pag gabay ni sian. Kalaban ko si mumay pero natalo ako sa ilang round. Di kasi ako sanay. Pero ang pinaka hindi ko makakalimutan ay ung nanood ako ng Biz Show na to! sa quadrangle kasama ang mga kapwa ko IE. Masaya kami. Naaliw sa dalawang Dj ng Love radio 90.7 na si Nicole and Chris. Napatawa nila kami ng husto. Grabe! Napahagikhik at muntikan ng sumakit and panga sa sobrang paghalakhak sa mga banat nila. Nagpikchuran kami kasama ang mga kaibigan. Naranasan kong umupo sa gitna ng kwadrangle ng school habang nakatayo sa harap ko si mumay. Nag astang parang modelo sa pagtayo. HAHA! Tumawa ng tumawa kay Karren habang naglalaro siya ng game . Ung pagkuha ng lobo na nakapiring ka pero nakakasilip din sya. (hindi alam ng moderator un) HEHE! Balak ko din sanang subukan pero hindi ko na tinuloy. Pinilit si Toby na mag climb para makabenta si karren. Buti naman pumayag. HEHE! Iniisip kong maging applicant ng MC pero mukhang hindi ako capable, hanggang pangarap na lang siguro. Nagkaroon ng idea na mag apply din sa Pavillion Cardinals dahil sa masayang mga bek-bek pero natakot dahil sa kwento ni June nung ininduct sya. Gusto bumili ng bag ng PIIE kc my plus pts kay Sir Norona pero nagdalawang isip. Di ko din naman kasi trip ung bagelya nila. Ampf! Goodbye na lang bag! Kumain ng Pizza na di gaanung kasarapan dun sa booth ng Pizza Hut. Kumain din ng Saging con yelo kasama si mumay pero hindi rin masarap. Kulang sa lasa kasi take-out (lugi kami). Gusto pang manood ng talent show pero kailangan ng umuwi kasi sasabay ako kay mariel. Sabi nila masaya daw at nakakatawa. Nanghinayang tuloy ako. Dapat manonood din ako ng Mapua Cardinals pero nag back out, wala na kayang ticket tska ang mahal noh! La din naman akong susuportahan dun. HEHE! Humanga sa Car Show ng mga ME. Crush ko ung Hot Pink na kotse. Shemay! Astigg mga kotse na andun! Nakakaailw din. Yan lahat nangyari. Masaya din naman pero my oras na boring. Next year ulit! =)

No comments: