Thursday, January 04, 2007

thoughtsaresoloud!

Malungkot. Malalim. Malabo.
HIndi ko maipaliwanag. Parang my kulang. Nakakamiss. Hindi kuntento. Kulang ang kasiyahang nararamdaman. Hinahanap ka. Isa sigurong pagkakamali, pero iba ang dating. Kasalanan? Di ko matanto. Dapat ko na bang tigilan ang kabaliwang ito o ituloy ko dahil baka sakaling my magandang kalabasan. Isang buhay na mas masaya sa piling mo at hindi sa kanya? Ngunit di ko maarok kung ano ako sa'yo. Sapat na ba na ako lamang ang nakakaramdam? Isang pagsasamang kaibigan lang ba ang ating destinasyon o dapat kong ituloy ang byahe? Pero di ako sigurado kung sasama ka ba sa byahe ko, baka sa aking paglingon, ako nalang pala... nagiisa. Ewan ko. Naguguluhan ang aking isip at damdamin. Dapat ko na atang tigilan ang aking kabaliwan. Tatagal ka ba sa buhay ko o isa lamang hanging dadampi sa aking pisngi upang bigyan ako ng panandaliang ligaya. Nais kong malaman. Pero natatakot ako. Pati ang aking sarili, hindi ko rin maintindihan. Ayokong magtanong, baka ikasugat ng aking puso ang iyong isasagot. Alam kong maikling panahon pa lang and nagugugol kaya ang puso'y di mapakali at takot. Dapat ba akong sumugal? Handa ba akong talikuran ang lahat para sa piling mo na nababalutan ng dilim? Hindi ko maarok, hindi ko makuha. Dapat ko bang palipasin ang panahon kasabay ng aking nararamdam at baka sakaling aking mapagtanto na isa ka lang panaginip na ninanais kong makapiling? Dapat ko bang hintayin ang tamang pagkakataon? Pero paano kung ito na ang inaasam asam ko?

Bsta ang alam ko masaya nakakaaliw, nakakatuwa at my halong kilig pag ako'y nasa piling mo at kausap ka kahit and distansya natin ay di lang isang dangkal. Hindi ko mawari kung isa lang ba itong ilusyon. Ngunit, magkaiba ang ating mundo. Nasa taas ka, nasa baba ako. Alam kong ika'y simple lang nguni't dapat ba tayong maghawak kamay? Kaya ko bang sumama sa mundong iyong ginagalawan at ika'y skin? Kaya mo ba? Posible bang ang mundo nati'y magtagpo sa pagkakataong ito? Kung akin lang mababasa ang nilalaman ang iyong puso, sana ngayo'y hindi ako ganito na tulirong nagiisip. Sana ako'y matulungan mo.

Gusto kong asamin ang isang pagsasama sa tabi mo.Nais kong maramdaman kung pano magmahal at mahalin ang isang tulad mo. Ngunit paano kung ito pala'y di mo kayang tumbasan? Lahat ng aking hinihiling ay di mo pla kayang ibigay? Isang nakakalungkot na pangayayari sa aking buhay kung iyon ma'y magkakatotoo. Pero andyan ang posibilidad.

Nais ko lamang talaga malaman kung my puwang ba ako sa iyong puso. Kung parehas ba tayo ng nararamdaman kahit sa maikling panahon lamang na tayo'y nagkasama at nagkapalagayang- loob. Nais kong mapagtanto kung dapat ko bang ituloy upang tayo'y magkaroon ng magandang kinabusan o matuloy lamang sa isang huwad na hinaharap sa piling mo? :(

Isang kaibigan lang ba ang papel ko sa buhay mo? =[

No comments: