Wednesday, January 03, 2007

Sana'y magkatotoo ka.

Sana ika'y aking makasama kahit sandali. Sana ang makapiling ka'y matupad. Iba ang pakiramdam pag kausap ka. Iba ang kilig pag ika'y iniisip. Sana'y di ka mahirap abutin. Sana'y maging maganda ang bukas para satin kung tayo'y may para sa isa'tisa. Sana'y mapagtanto mo rin kung ang halaga ko sa buhay mo. Sana'y mapansin mo din ako, isang nilalang na handang sumugal makapiling ka lang. Sana'y iyong maramdaman ang isinisigaw ng aking puso at kaluluwa. Sana'y maging isa ako sa taong di mo kakayaning mawala. Sana'y kaya mong bumaba sa yong kinalalagyan upang ako'y iyong maabot. Sana'y kaya mong isugal ang lahat kapalit ng ligaya sa piling ko. Sana'y maging higit pa sa kaibigan ang pagatinging iuukol mo skin. Sana'y mapagtanto mo kung may puwang ba ako dyan sa puso mo. At higit sa lahat, sana'y lahat ng aking inaasam ay magkatoto. Sana'y habang maaga pa malaman ko mula sa'yo. Masulyapan ka lamang ako'y masaya na. Makita ka lamang abot langit na ang aking ngiti. Nakakalungkot lamang isipin na andyan ka nga pero parang ang hirap mong abutin.

Dapat ko pa bang ituloy ito kung parang baliwala lang ako sa'yo?

Marahil isang karaniwang kaibigan lang ako para sa'yo.

No comments: